“Ang artikulong ito ay sinulat ko noong 2010 pa, at hindi ako nagsasawang taon-taon na lang ay aking ibinabahagi…Orihinal ko itong nailathala sa aking isang blog na dito matatagpuan http://willgundran.webs.com/apps/blog/show/3998260-on-crucifixion-and-flagellation”

 

Lenten Season in the Philippines marks the period where devotees do self-flagellation and crucifixion in various areas of the country. Flagellation is the act of whipping one’s body while crucifixion is a re-enactment of Jesus Christ’s execution on the cross whether nailed or tied.

People undergoing this kind of penance (pinetensya) equate it to justification of their sins. They are consumed in the belief that upon successfully doing it, their transgressions will be forgiven and lessened. Some also believe that in so doing, they will feel closer to God. In practicing such self-punishment, they will share from the sufferings of Jesus Christ on His way to Calvary and on the cross where He died. It is their way of showing they are genuinely repenting over their sins, that they truly worship God and feels clean after the process of pain generating rituals, thus, giving the light of salvation to them.

(photo: google.com)

       Along side with the religiosity, devotees also perform such acts because of family traditions that have been deeply rooted since the nation was under Catholic influence. No reasons other than it’s already part of the culture, and so, the tradition must live on. Some also do these excruciating sacrifices because they believe for something like healing from sickness, others do it because they have made a vow (panata) to do such for years due to answered prayers or miracles that has taken part in their lives.

Yearly, aside from the expression of faith, this becomes a media circus. Even international media agencies do get attracted. Things like these have become part of Filipino traditions during the Lenten Season.

On the other hand, is there really a need to undergo such? The Catholic church condemns and does not endorse the act too.The Bible sufficiently tells us that the Father loves us so much that He doesn’t want us to suffer despite all our sins against Him. Because of this love, He gave His Son Jesus Christ to become the atoning sacrifice in place of us on the cross. Therefore, there is no need for us Christians to do those very physical tortures, whipping on the self-inflicted wounds that are oozing with blood and nailing or tying on the cross under the scorching heat of the sun. Jesus already did it for us. We were redeemed by Him. No need to repeat what He had finished for salvation comes from knowing Him and accepting Him as the Lord and Saviour of our lives and not by experiencing what had happened to Him during the last hours of His earthly life.

"Huwag kang bumusina, liban na lamang kung nahaharap ka sa isang kapahamakan o peligro!" (photo:google.com)

 

Most if not all Filipino drivers are very fond of using their cars or vehicles horn, busina sa wikang Filipino. Lalo na kung trapik, or minsan naman dahil mas maganda yung sasakyang dala at karagkarag yung nasa harap kahit ang lawak lawak ng kalsada, pwede ka namang mag overtake kumbaga, ayaw mu dahil gusto mo tumabi yung nasa harap mo, sadyang mayabang ka lang talga. Na sa bawat tunog ng busina mo, wari nagsasabing “hey, this is me! Keep out of my way!” Pindot dito, dutdot doon. Busina ng busina, walang pakundangan.

  1. Nakakasakit ka na alam mo ba?

Maliban sa noise pollution na iyong dala, nakakasakit ka na sa tenga. Ikaw na bus, hindi porke’t malaki ka ay ikaw na ang hari ng EDSA or nang AYALA AVE or nang kahit saang kalyeng pinapayagan kang gumala. Tinutukan mo si Jeep, dahil dika makalagpas aba, nagbusina ka ng nagbusina! Tignan mo ang mga pasahero ng jeep, liban sa takip tenga, kung nakakamatay lang ang irap, malamang ilang beses ka na ding namatay.

Bukod sa dala mong gulat, ay talaga namang napakasakit ka sa tenga. Tutok ka pa. Kung makapag busina ikaw ba ang hari ng daan? Gusto kong bumaba at pagtatadyakan ang sasakyan mo pero pag ginawa ko yun, ako lang ang magmumukhang tanga.

2. Tila ba nag-babadya at nangha-hatak ka ng gulo!

Mainit ulo mo, bumusina ka ng bumusina, eh mainit din ulo ng nasa harap mo? So ano ngayon ang gusto mo? Away?! Ay naku po. Mayabang ka, eh mayabang din pala yung binubusinahan mo! Well, goodluck kung sino sainyo ang mas mainit ang ulo. Hindi excuse ang pagiging mainitin mo. Mainit din ulo ko sayo! Kaya umayos ka!

Nagmamadali ka? Eh nagmamadali din ako, siya, sila at kaming lahat! Lumipad ka na lang kaya! Tignan ko lang! Disiplina lang yan kasi. The horn can be used meaningfully other than instigating pain, agony and chaos towards other people. Alam mo nang traffic, eh di magtiis ka, aayos ba ang trapik pag bumubusina ka? Eh sampong kilometro na pala sa haba ang traffic! Patience lang yan, kung wala ka nun manahimik ka na lang pwede? Ikaw naman kasing nasa harapan, huwag ka namang magbaba at magsakay sa gitna ng daan. Tumabi ka sa tamang sakayan at babaan. Kung alam mong sayo na nagmumula ang sakit ng ulo ng lahat ng mananakay at motorista, kumilos ka na. Be sensitive of the feelings and needs of other people going next or after you.

Disciplined society is all we need! 


Facebook-Like-Button

Like?!

Sabi ni Mr. Webster ang like ay “to be suitable or agreeable to” , “to feel inclined”  at “to feel attraction toward or take pleasure in”. Gets mo ba? =)

Ngayon sa mundo ng Facebook, nagkalat ang “LIKE.” Ginagamit mo to kapag nagugustuhan mo yung nababasa or nakikita mo. Pwede ring mag like ka kung agree ka sa nakikita at nababasa mo. Pero ang like ay may iba pang kahulugan at pwedeng gamit sa facebook.

Like is also a way to stop conversation on fb, a way to tell “I don’t have anything to say” or “no  comment” in a nice and gentle way. It’s lesser evil! =) , Pero pwede ring dahil ayaw mung mapahiya ay mag la-like ka na lang.

Paano? Kapag ang biglang pinag usapan ay wala ka talagang ka alam-alam at ayaw mong magpahalata dahil nga naman sobrang nakakahiya, kaya mag like ka na lang. Sabi nga nila, less talk, less mistake! haha…

Sample:

Nag status update ako ng ganto: “Cafe Mnemonic!”. One of my FB friend said on a comment, “Channing Tatum ikaw ba yan?” . So syempre ako clue less aku kung sino siya…eh kesa sumagot paku ng kung anu-ano eh di “Like” na lang…haha! Tapus nagtanong ako kay google. Sumagot, at ang sabi niya, siya yung lalaking bida sa pelikulang “DA-VAO”!  =) Oh di ba? At ang classic, napanood ko yung film! haha… Safe ang pag like kesa sumagot ka ng di mo alam! =)

Kumanan ka kung ayaw mong maglakad. Kumaliwa ka kung gusto mong maglakad.

Bago pa magtaas baba ang iyong kilay, lilinawin ko na. Isa itong blog na gustong isulong ang matalino at responsableng pag gamit ng escalator. Lalong lalo na tuwing rush hour.

Natawa ka ba? Saglet lang naman. Magbasa ka muna. =)

Hindi ba’t mas maganda kung ang lahat ng gumagamit ng escalator ay nasa kanan lang? Itatanong mo pano sa kaliwa? (Hayaan na natin sa Singapore ang “Keep Left Rule”) Ganto yun, dapat ang kaliwa ay para sa mga gustong naglalakad. Para sa mga nagmamadali. Para sa mga health conscious. Para sa mga humahabol ng CR =). Para sa mga late na sa office. At sa napakarami pang para sa mga…

Oh violent reaction ka naman kaagad. Sabi mo ang simple ng problema ko na dina dapat pag aksayahan ng oras? Naku, sige lang, surely you’ll going to appreciate this simple yet sensible idea kapag napasabak ka na sa kumplikasyon ng  trapik sa escalator.

Bakit kanan kamo? Eh right uso dito sa atin eh gaya ng right hand drive. Isa pa, doon tayo nasanay, laging nasa kanan. Mag-isa ka man, mag syota o grupo kayo, matuto kang tumayo sa kanan lang ng escalator. Huwag yung dalawa hanggang tatlo na kayo sa isang step pa lang at sainyo na nagka bottle neck. Sainyo ba ang escalator? Tambayan  ba yan? That awkward moment when you are occupying the whole step of the escalator at may nagmamadali sa likod mo at biglang nagsabi ng “EXCUSE ME PO! “ medyo pagalit ang tono. Magtitinginan kayo ng masama, nagkaroon ka pa ng kaaway. Minsan siksikan na sa escalator, wala kasing tamang pila. Nag uunahan ang lahat. Walang disiplina. Oh tignan mo to, kadarating lang naunahan pa yung iba makasakay. Kapal ng mukha, sumingit pa. I-bucks out ba sina lolo at lola! Tama ba naman yan?

Anyway, the bottom line is, just be responsible when using the escalator. Be sensitive of the needs of other people. Kahit simple man yan, it’s a great help to make our intelligent (nga ba?) society appear with wisdom and look more humane.

Araw-araw na lang na pagdaan ko sa Underpass sa Ayala, lagi ko na lang kinakausap ang sarili ko, kelan kaya magkaka “Keep Right” rule sa isipan ng mga tao?

Kasama ba kita sa gantong ideya? Eh di umpisahan mo na, always remember that the escalator is not made only for you, it’s not designed for you alone, so keep right and everything will just be fine. I hope =)

Image

Sabay sa liwanag na nanggagaling sa araw ay ang liwanag ng buhay na abot kamay.

Pauwi na ako kanina galing ng Landmark sa Makati City at nakasakay sa isang Airconditioned na jeep nang bigla ko naisipang gumawa ng panibagong blog. Bigla ko naisip na dapat WordPress na, at sa pagkakataong ito, sana lang hindi katulad ng isang blog ko (http://willgundran.webs.com) na mas madalang pa sa pagbaba ng presyo ng krudo at gasolina kung magkaroon ng panibagong post o entry.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung anu ang dahilan bakit ako nagsusulat ngayon. Pero siguro dahil gusto ko lang. 

Natuwa ako pagkagising ko dahil maaliwalas at tirik na tirik ang araw. Gayun pa man, damang dama mo pa rin ang pag-ihip ng hangin sa bawat haplos at dampi nito saiyong balat.Oo medyo mainit nga, sabi ng balita kanina 34.5 °C (pinakamainit sa taon hanggang sa yugtong ito) daw ang temperatura sa araw na to. Kaya pala ang alinsangan, ngunit nakakabuhay ng pakiramdam. Tag-init na nga talaga. Sarap kumain ng Magnum ice cream. Yun lang nakakabutas ng bulsa. Anim na pong piso ang isa sa 7-11. May almonds yun ha? Hindi ako sigurado sa Classic kung magkano.

Madami naku nasabi pero di pa aku nagpapakilala. Susubukan kong ilabas ang aking sarili dito at nawa ay masalamin sa mga isusulat ko dito kung sino ako. Nawa dahil dito ay makita niyong may pagkakapareho tayo, makarelate ka naman sana kahit konti lang. Parang awa mo na.

Ok sige, eto na, napapadami na naman ako ng nasasabi, eto na talga; disclaimer lang, hindi ako marunong sa paglalarawan sa aking sarili, ikaw na bahala humusga.

1. Suplado from the Outside – Yes, I really look suplado. Sabi nila ang sungit ko daw. Sabi lang nila yun. Ang sabi ko naman, front ko lang yung pagiging suplado ko. Pero sa totoo lang pag nakilala mo ako at kinausap mo ako kakausapin naman kita at pag nakasalubong kita ngi-ngitian pa kita ng wagas. =)

2. “Life’s battle doesn’t always go to the stronger and faster man, but sooner or later, the man who wins is the man who thinks he can!” – so ano naman to? Yan lang naman ang favorite quote ko in life. Actually diko alam kung sino talaga nagsabi niyan pero ang mahalaga sakin meanigful siya.

3. Minsan Loner – Paminsan minsan lang yun. haha

4. Spaghetti – oops! may narinig bako nagsabi ng spaghetti? Asan? Asan? Parang awa niyo na, ilapag na yan sa hapag =) I can’t help but eat and eat Spaghetti. I’m a Spaghetti Boy! But wait there’s more, I only love Italian, Carbonara, pwede na! Huwag lang PESTO! Peste saakin yun. Diko alam hindi ko malunok ang lasa ng olive oil at basil or basta kahit anong herb na hinaluan lang ng olive oil. Kaaway ko yan.

5. Almonds/Pistachios – oo mahilig ako sa mani! I’m a lover of nuts. Pakihanda ang gamot sa rayuma =)

6. Blue/Green/Purple – favorite colors ko mga yan. 

7. Wide Reader – dati yon. Way back elementary and high school days, kahit may sakit ako, inaapoy ng lagnat puro libro nasa tabi ko. Read and read lang. Kaya nga tawag sakin ng Lolo White-hair ko “WIZARD”. Haha…buti na lang daw nagmana ako sakanya. hindi kay lola, ngeh! Comedian lolo ko. Hehe…Pero medyo tinatamad na magbasa ngayon. Hehe. Hindi na masyado.

8. Faces Pressure with a Style  – I don’t know how I will explain this, I’ll just set an example. Isang araw sa work may General Assembly, few hours before the GA biglang magho-host daw ako. So sakin approved without thinking. It’s what I do. I usually do organizing and hosting big events in my humble town…“The Place, the People, the Progress…NAGUILIAN, I Love YOUNGSTOWN, este, My Town!” Hindi ko lang sigurado kung yan pa rin ang aming tagline. =) Well anyway, I said yes, but a few minutes before the GA I don’t know how to make the program lively and not boring. Until, ting! Ok, i’ll just make a question and answer that would definitely give the audiences some new trivia =) And so, the program went on smoothly, I am not a a comedian but I made them laugh and smile with the way I handled the GA =)

9. Silent – siya nga pala, kaakibat ng pagiging suplado ko kunwari ay ang pagiging matahimik ko. I dont’ usually talk, I prefer to be an interviewee rather than an interviewer. I mean I’m not a conversation initiator. Mahiyain ako lalo na sa una at hindi pa kita kilala. Pero I’m trying na maging talkative na. =) Trying but failing, lol…

10. Emotional – oo. Ma-emosyon akong tao. Hindi ako mahihiyang lumuha sa harap mo. Haha…

11. TV Patrol Kid – …sorry sa mga maka 24 Oras. Pero oo. TV Patrol kid ako. Mula pagkabata, TV Patrol na tinututukan ko. Mantakin mo, dati pagsapit ng mga ika-lima ng hapon, TV Patrol Dagupan pagkatapos ay TV Patrol Baguio tapus ay ang makasaysayang TV Patrol. Tatlong TV Patrol sa bawat araw. Kung nakukuha nga lang ng TV namin noon ang TV Patrol Laoag eh panonoorin ko din yun.

12. Independent – Mas gusto ko minsan mag work ng mag-isa. May mga pagkakataon kasing  mas ok saakin ang mag-isip at mag-work kapag ako’y nag-iisa lang. Pero hindi ibig sabihin ay ayoko ng may kasama. Masaya pa din mag work ng may kasama.

13. Travelling – I love travelling. Minsan kahit mag-isa ako bumibyahe ako. Nakarating nga ako ng Sagada ng mag-isa =) lang dati. Apat na araw at tatlong gabi. Meron pa, nagpunta ng Laoag, pitong oras na biyahe para lang kumain ng Spaghetti sa Mister Donut saka umuwi ng La Union. Akalain mo yun? Parang walang Mister Donut sa amin. Haha…Nalibot ko na ang halos kabuuan ng Northern Luzon. Batanes, Apayao at Abra na alng ang diku napupuntahan. Sa South naku Cebu pa lang pinaka malayo kong napuntahan =).

14. Writer – oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Isa din pala akong manunulat sa school paper namin. Naging Editor-in-Chief ako ng High School paper namin, news at feature writer din ako. Nakakamiss ang buhay elementary at secondary school journalist. Disclaimer: I am not good in grammar! Haha…

15. More than anything, I Love God! – Yes! I love HIM so much. He has blessed me in  every and any way I can’t imagine. He is so faithful to me despite my imperfections! 

So pano? Hanggang dito na lang po muna ako. Sana ay damayan nyo ako sa pagdadasal na sipagin sana ako at palagiang mag update sa blog na to. Mas malimit pa sa pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina!